6 Sifat sa Filipino Tagalog

0
421

Anim Sifat ng sahabah nabi

Philippines

 

PANIMULA

Ang mga Sahaba RA ay may maraming magagandang katangian, ang mga ulama ay pumili sa mga katangiang ito, na kung ating gagampanan, ang pag-amal ng kumpletong deen ay magiging madali satin.

 

1.   IMAAN

 

 

ال اله اال للا

 

LAYUNIN:

Ang pagtanggal ng maling paniniwala sa ating mga puso na ang nilikha ang gumagawa at ang paglagay ng tamang paniniwal sa ating mga puso na ang allah lamang ang gumagawa.

 

GANTIMPALA:

Si Hazrat Muaath ibn Jabal RA ay nagsabi na ang sugo ng allah SAW ay nagsabi “Ang sinumang kanyang huling salita ay

ang kalimah هللا اال اله ال ay makakapasok sa paraiso” (Abu Dawood at Hakim)

 

PAGPASOK NITO SA ATING PAMUMUHAY:

  • Dawat
  • Bago tumungo sa ibang mga paraan/solusyon ay dapat tayoy humantong muna sa Allah
  • Dua

 

محمد رسول للا صىل للا عليه و سلم

 

LAYUNIN:

Ang paniwala na ang tanging matagumpay na pamumuhay ay ang pamumuhay ng Nabi SAW at ang ibang pamumuhay ay magdudulot satin ng kapahamakan.

 

GANTIMPALA:

Si Hazrat Abu Huraira RA ay nagsabi na ang Nabi SAW ay nagsabi:

“siya na kumapit sa aking sunnah sa

panahon na kung saan ang mga tao ay nasa kurap na kalagayan ay gagantimpalaan ng katumbas ng 100 na martyr” (Mishkaatul Masaabeh)

 

PAGPASOK NITO SA ATING PAMUMUHAY

  • Dawat

 

  • Subukang magsagawa ng isang sunnah sa ating pamumuhay
  • Dua

 

 

2.SALAH

LAYUNIN:

Paglagay ng salah sa ating buhay.

 

GANTIMPALA:

Si Hazrat Jaabir RA ay nag-ulat na kanyang narinig ang Nabi SAW na nagsasabing:

“Ang kahalintularan ng 5 beses na salah ay tulad nang isang malalim na ilog na nasa harapan ng pintuan ng isang tao kung

saan siya ay naliligo roon ng 5 beses kada araw” (Muslim)

 

PAGPASOK NITO SA ATING PAMUMUHAY

  • Dawat
  • Magsagawa ng mga Nafl Salah upang lumakas ang ating Piliting magsagawa ng salah sa loob ng Masjid kasama ang Jamaat at Takbeer ula.
  • Dua

 

 

3.ILM

LAYUNIN:

Ang pagkaroon ng kaalaman kung ano ang hinahangad sa atin ng allah sa kahit anong situwasyon.

 

GANTIMPALA:

Si Hazrat Abu Darda RA ay nag-ulat:

narinig ko ang Nabi SAW na nagsasabi:

“Sino man ang maglakbay patungo sa

paghangad ng kaalaman, gagawin ng Allah SWA na madali sa kanya ang daan patungo sa paraiso. Katutuhanan, ang mga anghel ay ilalapad ang kanilang mga pakpak sa taong naghahangad ng kaalaman. Katutuhanan ang mga nakatira sa langit at lupa at ang mga isda sa dagat ay magdudua ng kapatawaran sa isang Aalim. Ang kahigitan ng isang Aalim sa isang nagsasamba ay tulad ng isang buwan sa mga bituin at katutuhunan ang mga ulama ay ang tagapagmana ng mga propeta. Hindi nakapagiwan ang mga Propeta ng kahit anong dinaar o dirham, bagamat silay nagiwan ng kaalaman. Sinuman ang makakakuha nito ay magkakaroon ng maraming hati” (Abu Dawood)

 

PAGPASOK NITO SA ATING PAMUMUHAY

  • Dawat
  • Pumunta sa mga Ulama upang kumuha ng ilm sa mga masaail at umupo sa Taalem para sa Ilmo Fazail
  • Dua

 

 

3b. ZIKR

LAYUNIN:

Palagiin ang pagaalala sa Allah SWA.

 

GANTIMPALA:

Si Hazrat Abu Musa Al Ash’ari RA ay nag-ulat na ang sugo ng Allah SWA ay nagsabi:

“Ang kahalintularan ng isang taong laging nagaalala sa kanyang panginoon at ng hindi nagaalala sakanya ay tulad ng isang buhay at patay na tao”(Bukhari at Muslim)

PAGPASOK NITO SA ATING PAMUMUHAY:

  • Dawat
  • Ang hindi Hufaz ay dapat magbasa ng 1 juz sa Quran kada araw at ang Hufaz

naman ay 3 juz kada araw. Mag-sagawa ng Durood,istighfar at ikatlong kalimah nang 100 beses tuwing umaga at gabi. Basahin lahat ng mga Masnoon Duas bago at pagkatapos ng bawat amal

  • Dua

 

 

4.   IKRAAM

LAYUNIN:

Dangalin at respetuhin ang mga kapatid na muslim.

 

GANTIMPALA:

Si Hazrat Abu Hurairah RA ay nag-ulat na ang sugo ng Allah SWA ay nagsabi:

“Sinuman ang mag-ahon ng kahirapan sa isang mananampalataya dito sa mundo ay tatanggalin ng Allah SWA ang kanyang kahirapan sa Qiyamah. Sinoman ang tumulong na padaliin sa isang tao ang kanyang kahirapan. Papadadaliin sakanya

ng Allah SWA dito sa mundo at Akhirah ang kanyang mga kahirapan. Sinoman ang takpan niya ang kamalian ng isang muslim ay tatakpan sakanya ng Allah SWA ang kaniyang mga kamalian dito sa mundo at Akhira. Tinutulungan ng Allah SWA ang kanyang alipin habang tinutulungan niya ang kanyang kapatid”(Muslim)

 

PAGPASOK NITO SA ATING PAMUMUHAY:

  • Dua
  • Unang-una, gampanan ang karapatan ng Pangalawa, Magpa-unawa at paunahin muna ang karapatan ng iba bago ang iyong sarili. Pangatlo, talikuran ang iyong karapatan para sa iyong kapatid.
  • Dua

 

 

5.IKHLAAS

LAYUNIN:

Sa bawat aksyon natin, ating i-alay para sa ikakagalak ng Allah SWA.

 

GANTIMPALA:

Si Ameerul Mu’mimeen Umar Ibn Al Khattaab RA ay nag-ulat: Aking narinig sa Propeta SAW na nagsasabing:

“Katutuhanan ang bawat amal ay nakabase sa intensyon at bawat tao ay makakamtan niya kung ano man ang kanyang inintensyon”

(Bukhari at Muslim)

 

PAGPASOK NITO SA ATING PAMUMUHAY:

  • Dawat
  • Bago, pagkatapos at sa tuwing may ginagawa, tiyakin na ang ating intensyon ay para lamang sa ikakagalak ng Allah SWA
  • Dua

 

 

6.   PAGSUSUMIKAP SA LANDAS NG ALLAH SWA

 

LAYUNIN:

Pagbangon ng Deen sa lahat ng tao. Para makamtan ito, kinakailangan nating magsumikap hanggang sa umabot ang Deen sa kundisyun nung iniwan ng Nabi SAW ang mundo.

 

GANTIMPALA:

Si Hazrat Anas RA ay nag-ulat na ang Rasoolullah SAW ay nagsabi:

“Isang umaga o gabi na inalay sa landas ng Allah SWA ay mas mabuti kesa sa mundo at lahat ng napaparoon rito”(Bukhari)

 

PAGPASOK NITO SA ATING PAMUMUHAY:

  • Dawat
  • Mag-alay ng 4 na buwan kada taon;10 araw kada buwan at 8 oras kada araw sa landas ng Allah SWA.

At lumahok sa 5 amaal ng Masjid Mashuara; In ghust at Out ghust; Taalem sa masjid at taalem sa bahay

  • Dua
Previous article6 Sifat sahabat nabi dalam Bahasa Melayu
Next article6 Sifat em português